Paul Soriano, kinuyog dahil sa ‘resibo’ ng TV shoot ng ‘Unity’ ad sa panahong may sakit si BBM - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Sunday, January 30, 2022

Paul Soriano, kinuyog dahil sa ‘resibo’ ng TV shoot ng ‘Unity’ ad sa panahong may sakit si BBM

 

Trending sa Twitter ang direktor na si Paul Soriano matapos kumalat ang mga litrato ng kaniyang behind-the-scenes ng kaniyang TV shoot sa advertisement ng Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem.

Kinukuwestyon kasi ng mga netizen ang petsang nakalagay sa clapper (January 8) kung saan makikitang nagsagawa umano sila ng shooting, gayong noong January 7 ay hindi dumalo si BBM sa hearing ng kaniyang disqualification case sa Comelec dahil kailangan umano niyang sumailalim sa isolation, dahil sa COVID symptoms noong January 6. Isang medical certificate pa ang nailabas na may petsang January 7.

Screengrab mula sa Twitter

Kaya naman, inaatake ngayon ng mga netizen sina BBM at Paul Soriano dahil kung totoong may sakit umano ang presidential aspirant, bakit nakadalo umano ito sa TV shoot? Nalabag daw ba ang health protocols?

Isa pang isyung ipinupukol sa kanila, baka naman daw hindi talaga totoo ang dahilan ni BBM kaya hindi ito nakadalo sa Comelec hearing noong January 7, batay na rin sa nailabas na medical certificate mula sa kaniyang doktor.

Image

Larawan mula sa Manila Bulletin

Ngunit kaagad namang ipinaliwanag ni Direk Paul ang kaniyang panig sa pamamagitan ng tweet, kalakip ang ilang mga litrato. Aniya, totoo na may shoot sila noong January 8 subalit hindi kasama rito sina BBM at Sara. Ang tanging kasama lamang niya ay ang mga staff at crew. Ang nakita umano ng mga netizen ay ang mga nauna na nilang shooting, kaya inakala nilang kasama si BBM sa January 8 shooting.

“The UNITY commercial was shot all over the Philippines for one week. On January 8, 2022, I was in Davao with my staff and crew shooting the Davao portion of the commercial. We were in Brgy. Kapatagan capturing the beauty of Mt. Apo,” aniya.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-493.png
Screengrab mula sa Twitter/Paul Soriano

Sinegundahan naman ito ng kampo ni BBM, sa pamamagitan ni COS/Spokesman Atty. Vic Rodriguez. Aniya, nagkaroon ng TV shoot si Direk Paul noong January 8 sa isang lokasyon sa Davao, subalit hindi kasama si BBM dahil nga sa quarantine.

Sa isyu naman ng parehong kulay ng damit ni Paul na nakikita sa mga iniisyung resibo, pinagtanggol ng mga netizen ang direktor na sadyang mahilig talaga ito sa black polo shirt, bagay na ibinuking din ng misis na si Toni Gonzaga sa isang panayam sa kanila. Katwiran ni Paul noon, masyado na siyang abala sa buhay para pag-isipan pa ang damit na kaniyang susuutin sa araw-araw, kaya pare-pareho na lamang ng kulay ng damit ang kaniyang binibili.

Si Paul Soriano ay mister ng ABS-CBN TV host-actress-vlogger na si Toni Gonzaga.

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad