Ito ang masayang inanunsiyo ng pinsan ng doktorang si Carmina Fuentebella, na na-intubate noong nakaraang linggo dahil sa COVID-19.
Si Dr. Fuentebella, 26 years old at isang medical frontliner, ay tinamaan ng COVID-19 habang naka-duty sa ospital.
Siya ay resident doctor sa University of Sto. Tomas Hospital.
Noong April 13, nanawagan ng dasal ang mga kasamahan sa trabaho at mga kamag-anak ni Carmina matapos itong isinailalim sa ventilator upang maisalba mula sa panganib ng COVID-19.
Makalipas ang isang linggo, naalpasan ng doktora ang hamon sa kanyang kalusugan.
Ayon sa Facebook post ng pinsan niyang si RJ Palad kahapon, April 19, nagpapagaling na si Carmina matapos mapagtagumpayan ang laban nito sa mapaminsalang karamdaman.
Sabi ni RJ: “GREAT NEWS!!!!
“Dr. Carmina Fuentebella is on her way to complete recovery.
“She is still in the hospital regaining her strength, but we are almost out of the tunnel."
Pinasalamatan naman ni RJ ang lahat ng mga nakiisa sa kanila sa pagdarasal at pagsasakripisyo.
No comments:
Post a Comment