Liza Soberano nakiusap sa mga mambabatas na pakinggan ang kanilang hiling na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Monday, June 1, 2020

Liza Soberano nakiusap sa mga mambabatas na pakinggan ang kanilang hiling na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN

Liza Soberano temporarily suspends operations in her wellness ...

Nakiusap si Liza Soberano, 22, sa mga mambabatas na pakinggan ang kanilang hiling na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram post noong nakaraang linggo, sinabi ng Kapamilya actress na mahalaga ito para sa bayan, lalo na ngayong may pandemic dahil sa COVID-19.

Panimula ni Liza, "It has been almost three months since the world has been put on pause due to this  pandemic, three months since the world has become full of uncertainties, anger, and tears.

"So many changes have been made to adjust to a world in which we are at war with an enemy that can’t be seen."


Dagdag pa ni Liza, marami na ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa pagsasara ng ABS-CBN noong May 5, 2020, kasunod ng cease and desist order galing sa National Telecommunications Commission (NTC).

Nagtapos ang 25-year legislative franchise ng istasyon noong May 4.  

Sabi ni Liza, "It is no secret that ABS-CBN has been facing many challenges these past few weeks.

"Marami na po ang nagbigay ng kanilang saloobin tungkol dito.

"May mga nagalit, nalungkot at nasaktan.

"Meron ding natuwa at nag sabing dapat lang."

a screenshot of a cell phone

Para sa aktres, magkakaiba man ang ating mga pananaw at paniniwala, hindi raw ngayon ang panahon upang mag-aaway-away.

Saad niya, "Hindi po ito ang tamang panahon para mag away away ang lahat.

"We all have different principles in our life and we all have the right to our own opinions.

"Pero kung mapapansin po ninyo, pride [ang] nananaig, and because of our pride and beliefs, we are forgetting what is truly important during these tough times, at yun ang maging mabuting tao sa lahat."

"THE KEY IS TO BE UNITED"

Ayon pa kay Liza, dapat daw magkaisa ang lahat sa panahong ito, hindi lamang tungkol sa usapin ng ABS-CBN at ng gobyerno, kundi tayo bilang isang bansa.

Saad niya, "The key is to be united.

"Not only the company and the government but the nation as a whole.

"Nobody is perfect and nobody ever will be, but if we choose to humble ourselves and focus on what really needs to be addressed, then maybe we can also help the world heal."

a screenshot of a cell phone on a table

Naniniwala rin si Liza na ginagawa ng Kongreso at Senado ang lahat upang maisaayos at mailagay sa tamang kaparaanan ang usapin ukol sa prangkisa ng Kapamilya network.

Sabi niya, "I believe that ABS-CBN, the senate and the congress are all doing their best para maayos ang lahat sa tamang paraan at tamang proseso.

"Naniniwala ako na kung may pagkakamali o pagkukulang man ang aming istasyon sinisikap po ng aming leaders na maisaayos po ang lahat.

"The same as our government officials are doing their part."

"LET US HEAL OUR HEARTS"

Malaki raw ang pasasalamat ni Liza na isa siya sa mga artistang nabigyan ng ABS-CBN ng pagkakataong maibahagi ang kanyang talento sa mga manonood.

Kaya magiging masaya raw siya kung mabibigyan ng pagkakataong makapagserbisyo muli ang kanyang home network.

"I am one of the many actresses that has been given the chance [by ABS-CBN] to make something out of my life, at lahat ng yun nangyari dahil sa opportunity.

"Kaya kung mabibigyan ulit and ABS-CBN ng opportunity to continue serving in the best way it can—by fully operating, im sure maraming empleyado, katulad ko, ang magiging masaya."

a screenshot of a cell phone

Caption ni Liza sa kanyang pahayag: "Let us all heal our hearts with good solutions.

"Gawin natin ito para sa ikabubuti ng ating bansa para makita sa pilipinas na tayo ay nagkakaisa."

Kasalukuyang dinidinig sa Kongreso ang reenwal ng ABS-CBN franchise.

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad