Finally after 50 YEARS, the Philippine National Railways (PNR) have NEW and MODERN TRAINS - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Thursday, June 10, 2021

Finally after 50 YEARS, the Philippine National Railways (PNR) have NEW and MODERN TRAINS

 

Finally after 50 YEARS, the Philippine National Railways (PNR) have NEW and MODERN TRAINS.
Noong 2016, siyam (9) lamang ‘ho ang bilang ng tren ng PNR na aming nadatnan. Ang mga ito ay lumang-luma, at napag-iwanan na ng panahon.
NGAYON, 18 na ‘ho ang tren ng PNR.
Unang dumating sa bansa noong December 2019 ang anim na bagon na nakapagbuo ng dalawang (2) panibagong train sets ng PNR. Ito ay i-dineploy sa FTI-Tutuban at FTI-Malabon routes.
Dahil sa dalawang train sets na ito, 18 hanggang 20 biyahe ang naidagdag kada araw sa FTI-Tutuban at FTI-Malabon routes, at umabot na sa mahigit 750 na pasahero ang kaya i-accommodate ng linya.
Noong February 2020, 2 pang bagong tren ang nabuo ng PNR mula sa walong rail cars na dumating aa bansa.
Ito ay naging dahilan upang makapag-serbisyo ng higit 1,000 pasahero kada biyahe sa rutang Tutuban-Alabang ng PNR
Dumating naman sa bansa noong December 2020 ang passenger coaches mula sa Indonesia, na opisyal nating ipinakita sa buong sambayanang Pilipino noong Disyembre 2020.
Ang 15 passenger coaches na ito ay mayroong water wading capacity na kakayaning makalusot sa baha, at maximum design speed na 120 Kph. Dahil dito, naiakyat ng PNR sa 1,250 na pasahero ang kapasidad nito sa bawat biyahe.
Samantala, noong April 2020, dumating na rin ang 2 track motor car shunter locomotive ng PNR. Ito ay kabilang sa 37 cars at 3 locomotive na prinocure ng PNR noong 2018 mula sa Indonesia.
Ang mga bagong tren na ito ay parte ng Re-Fleeting Management Strategy ng PNR, na puspusan ‘ho nating isinasakatuparan upang makapagbigay ng mas kumportable at kumbinyenteng biyahe ang ating mga kababayan.

TULOY-TULOY ANG MODERNISASYON SA PNR! #BuildBuildBuild

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad