Toni Gonzaga, Paul Soriano publicly declare support for Ferdinand Marcos Jr. amid criticisms - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Thursday, February 10, 2022

Toni Gonzaga, Paul Soriano publicly declare support for Ferdinand Marcos Jr. amid criticisms

 

Pormal nang nagdeklara ng kanilang suporta ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kandidatura ng presidential aspirant at dating senador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Si Marcos ay tumatakbo sa ilalim ng UniTeam BBM-Sara ka-tandem si Davao City Mayor Sara Duterte bilang vice presidential aspirant. 

Si Bongbong ay anak ng dating diktador at yumaong President Ferdinand Edralin Marcos.

Si Sara ay anak naman ni incumbent President Rodrigo Roa Duterte.

Sa Instagram, nagpasalamat si Marcos Jr. kay Toni sa paghu-host nito sa UniTeam proclamation rally ng Marcos-Sara tandem sa Philippine Arena sa Bulacan, noong Martes, February 8, 2022.

Kalakip nito ang larawan nila ni Toni na nasa entablado.

Mensahe ni Marcos Jr. sa kanyang post ngayong araw, February 10: "Taos pusong pasasalamat kay Toni Gonzaga-Soriano sa pagiging host ng Uniteam Proclamation Rally.

"Isang makasaysayang gabi na hindi namin malilimutan ni Mayor Inday Sara kapiling ang aming mga tagasuporta, pamilya, kaibigan at mga nanindigan para sa ating samahan ng pagkakaisa - gaya mo Toni.

"Maraming salamat muli sa lahat!"

Ini-screenshot ni Toni ang post ni Bongbong at ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram Stories.

Tinawag niyang "my President" si Marcos Jr. 

Buong caption ni Toni: "You’re welcome my President @bongbongmarcos [victory sign emoji]"

Toni Gonzaga calls Bongbong Marcos
© Provided by PEP.phToni Gonzaga calls Bongbong Marcos

PHOTO: Courtesy: @celestinegonzaga on Instagram

Ang mister ni Toni na si Paul ay nag-post naman ng larawan nilang mag-asawa kasama si Marcos Jr.

Sa caption, tinawag din niyang "My President" ang presidential aspirant.

Si Marcos Jr. ay ninong sa kasal nina Toni at Paul.

Ang paghahayag na ito ng suporta ng mag-asawa sa kandidatura ni Marcos Jr. ay naganap dalawang araw matapos makatanggap ng matinding batikos si Toni mula sa mga tagasuporta ng ABS-CBN at maging kapwa Kapamilya stars at employees.

Pinuna ng ABS-CBN supporters ang paghu-host ni Toni sa proclamation rally ng Marcos-Duterte team, partikular na ang masiglang pagpapakilala niya kay SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta.

Si Marcoleta ang nanguna sa panggigisa sa resource persons mula sa ABS-CBN, partikular na ang top executives, sa isinagawang hearing sa Kongreso tungkol sa franchise renewal application ng Kapamilya network noong 2020.

Kabilang din si Marcoleta sa 70 kongresista na bumoto para tuluyang patayin ang franchise application ng ABS-CBN—ang kinabibilangang network ni Toni sa loob ng 17 taon.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na ang ama ni Sara na si Pangulong Duterte ay ilang beses sinabing haharangin niya ang anumang hakbang na magbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN, bago pa man maganap ang franchise hearing sa Kongreso kung saan karamihan ay kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ay dahil sa hindi umereng campaign ads ni Duterte sa ABS-CBN noong 2016 elections.

Ito ang ikalawang pagkakataong ipinasara ang ABS-CBN.

Noong 1972, sa bisa ng martial law na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, pinaghati-hatian ng Marcos cronies ang lahat ng property ng ABS-CBN.

Dahil na rin marahil sa matinding batikos na natanggap niya mula sa netizens at kasamahan sa industriya, nagbitiw si Toni bilang main host ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother (PBB), pagkatapos ng 16 taon.

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad