Coco Martin loses cool with ABS-CBN bashers: “Hindi namin kayo kailangan sa buhay namin” - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Friday, May 8, 2020

Coco Martin loses cool with ABS-CBN bashers: “Hindi namin kayo kailangan sa buhay namin”

“NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO PWEDE NA TAYO LUMABAN!”
Ito ang mensahe ni Coco Martin, 38, sa mga kapwa niya Kapamilya artists na pinuputakti ngayon ng pamba-bash.
Kasunod ito ng pagpapasara sa lahat ng TV at radio stations ng ABS-CBN nitong Martes, May 5.
Tigil-operasyon ngayon ang broadcasting unit ng network, sa bisa ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ibinaba ng NTC ang order isang araw matapos mapaso nitong Lunes, May 4, ang 25-taong franchise to broadcast ng ABS-CBN.
Bigo ang Kamara na matalakay ang 11 franchise renewal bills, kaya hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang network.

Hindi binigyan ng NTC ng provisional authority to operate ang network, na siyang makakapagpatuloy sa operations ng ABS-CBN.

Ang NTC, ayon sa advice ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra, ay may karapatang magbigay ng provisional authority to operate.

Hindi naman kaila sa publiko na binalaan ni Solicitor General Jose Calida ang NTC na kakasuhan ito ng paglabas sa batas pag nagbigay ito ng provisional authority to operate.

Si Calida ay tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na "alter ego" ni Presidente Rodrigo Duterte.
Matapos mamaalam sa ere ang ABS-CBN, eksaktong 7:52 ng gabi nitong Martes, nagkani-kanya ng post sa social media ang Kapamilya stars.
Karamihan sa kanila ay nagpahayag ng suporta sa kanilang home network.
Ang iba ay nanghingi ng dasal, habang may mga naglabas ng personal na saloobin sa nangyari.

TROLLING AFTER SHUTDOWN

Pero iisang bagay ang consistent sa comments section: Bina-bash ng mga pro-government, pro-Duterte netizens ang mga stars na kumontra sa shutdown.
Iginigiit ng bashers na tama lang ang sinapit ng network, dahil marami na umano itong paglabag sa batas.
Natural namang dumepensa ang mga celebrities para sa ABS-CBN.
Pero ilan sa kanila ang mistulang nasagad na ang pasensiya.
Tulad ni Coco.
Sa Instagram post ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano nitong Huwebes, May 7, ibinahagi niya ang isang art card na may titulong “Starve a Troll Today.”
Ang Internet trolling, ayon sa Merriam-Webster, ay gawain “to antagonize (others) online by deliberately posting inflammatory, irrelevant, or offensive comments or other disruptive content.”
May detalye sa art card kung paano kumikita ang mga troll tuwing nagre-react o sumasagot ang kanilang biktima.
Mababasa rin kung paano dapat dine-delete ng biktima ang ikinomento sa troll para mapurnada ang kikitain ng huli.
Dapat daw na i-block ang troll, at alertuhin ang iba pang social media users laban sa blocked troll.
Nakasaad din sa art card na pinakamainam kung i-unfollow ang blogs ng mga troll.
Huwag na lang daw pag-aksayahan ng oras na basahin ang pamba-bash ng mga ito.

COCO LOSES HIS COOL

Kalakip ng art card na ito ang mahabang caption ni Coco.
Nasusulat ito sa capital letters.
Ramdam ang matinding galit at panggigigil ni Coco sa pagkakasulat ng mensahe niya para sa mga kapwa Kapamilya talents.
Sinabi ng aktor na malaya na siya ngayong magsabi ng gusto niya dahil wala na raw siyang kinatatakutan.
Ang sarap daw pala ng ganung pakiramdam.
Kaya raw pala nasisiyahan ang ibang tao sa pamba-bash sa mga celebrities.
Iyon ay dahil hindi naman daw pumapatol ang mga tulad niyang artista sa mga pamba-bash na natatanggap nila.
Caption ni Coco (published as is):
“NGAYON KO LANG NARAMDAMAN ANG SARAP PALA SA PAKIRAMDAM YUNG NALALABAS MO YUNG MGA NASASA LOOB MO
“YUNG WALA KANG KINATATAKUTAN AT PINANGINGILAGAN
“KAYA PALA MASAYANG MASAYA YUNG MGA BASHERS AT TROLLS SA GINAGAWA NILA E!
“KC TAYONG MGA ARTISTA WALANG MAGAWA KAPAG NILAIT NILA
“KAPAG KINUTYA NILA DI TAYO MAKAPALAG.”

GETTING EVEN WITH BASHERS

Pero ngayon daw na wala nang trabaho ang Kapamilya stars, dahil sarado na ang broadcast operations ng ABS-CBN, pupuwede na raw silang pumatol sa mga bashers.
Patuloy pa ni Coco: “NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO
“PWEDE NA TAYO LUMABAN
“WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!!
Dagdag ng Ang Probinsyano star, ito na raw ang pagkakataon para makaganti ang celebrities sa mga namba-bash sa kanila.
“SILA GUSTONG GUSTO NILA BASAHIN KUNG ANO ANG MGA POST NATIN
“NGAYON ANG PAGKAKATAON PARA MAKAGANTI TAYO
“AWAYIN NATIN SILA AT WAG BASAHIN ANG MGA COMMENTS NILA
“HAYAAN NATIN SILA MAG COMMENTS PARA MAG MUKA SILANG TANGA!!!”

COCO ASKS TROLLS TO UNFOLLOW KAPAMILYA STARS

Makalipas lang ang ilang minuto, muling nag-post sa Instagram si Coco.
Ibinahagi niya ang litrato ng Millennium Transmitter tower ng ABS-CBN.
Sa pagkakataong ito, direkta nang para sa bashers ang mensahe ni Coco.
Pinayuhan ng aktor ang mga taong ayaw sa mga Kapamilya at nagdiriwang sa pagkakasara ng ABS-CBN.
I-unfollow na lang daw ng mga ito ang social media accounts ng mga celebrities mula sa kanyang home network.
Mas mainam na raw iyon kaysa pagtawanan silang mga artista sa gitna ng pagsubok na kinakaharap ng ABS-CBN.
Saad sa caption ni Coco:
“GANITO KASIMPLE YAN MGA KAIBIGAN
“LAHAT NG MGA AYAW SAMIN AT GALIT SA ABS CBN AT NAG DIDIWANG NGAYON WAG NYO KAMI IFOLLOW
“HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN PARA LAITIN KAMI AT PAGTAWANAN SA PINAG DADAANAN NAMING LAHAT!”

“HINDI KAMI MAMATAY PAG UMALIS KAYO”

Mas pipiliin daw ni Coco na mga lehitimong Kapamilya supporters lang ang naka-follow sa kanila sa Instagram.
Sabi pa niya, “YUNG MGA BASHERS AT TROLLS NA NAKIKISILIP LANG AT MAY OPINION PA, SA BUHAY NAMIN MALAYA PO KAYO MAKAKAALIS
“HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN!
“HINDI KAMI MAMAMATAY PAG UMALIS KAYO
“IKATUTUWA PA PO NAMIN
“MARAMING SALAMAT PO!
“IFOLLOW NYO MGA IDOL NYO.
“HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN!!!”
Hindi si Coco ang unang Kapamilya talent na pumalag sa mga bumabatikos sa ABS-CBN kasunod ng pagpapasara rito.
Nauna nang sumagot sa bashers ang broadcast journalist na si Korina Sanchez at ang aktor na si Zanjoe Marudo.
Pumalag din sa mga nambabatikos sa network ang singer na si Regine Velasquez, maging si ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Chief Ging Reyes.
---
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad