Pastor Quiboloy sermon to Vice Ganda: "I hope that you learned your lesson." - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Monday, May 25, 2020

Pastor Quiboloy sermon to Vice Ganda: "I hope that you learned your lesson."

Quiboloy Responds To Vice Ganda's Challenge & Praises Vic Sotto
Muling nagsalita si Pastor Apollo Quiboloy tungkol kay Vice Ganda.
Inungkat muli ng kontrobersyal na religious leader ang hamon ng Kapamilya comedian-TV host na pahintuin daw ng pastor ang traffic sa EDSA at ang pagpapalabas sa Ang Probinsyano.
Natatawang tinawag ni Vice na "mayabang" ang pastor dahil sa pahayag nitong ipinahinto niya ang malakas na lindol sa North Cotabato noong October 31, 2019.
Ginawa ni Vice ang hamon sa It’s Showtime noong November 5, 2019.
Simula noong March 15, 2020 ay nawala ang traffic sa EDSA dahil sa ipinatupad na enforced quarantine sa buong Metro Manila.
Nitong May 5, 2020, nawala naman ang Ang Probinsyano dahil ipinasara ang ABS-CBN ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ginawang jumping board ito ngayon ng self-proclaimed appointed son of God upang hiyain si Vice.
Si Quiboloy, 70, ang milyonaryong founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc.
Si Vice, 44, ang isa sa pinakamalaking artista ng ABS-CBN, isang Viva talent, at ceritified box-office star.

QUIBOLOY: "ANG KAYABANGAN, NAKIKITA NG DIYOS 'YAN."

Sa kanyang programa sa Sonshine Media International Network noong May 19 ay ipinaalala ni Quiboloy kay Vice ang hamon nito sa kanya noon.
Pahayag ng pastor, "Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?
"Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon.
"Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo.
"Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya."
Video player from: YouTube (Privacy PolicyTerms)
Ayon kay Quiboloy, "hustisya" mula sa Diyos ang kasalukuyang pinagdaraanan ng home network ni Vice.
"Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan.
"Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.
"O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila.
"Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.
"Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila.
"Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon.
"Pagkatapos isinama mo pa ako."
Pagbibida ni Quiboloy sa sarili, "Ngayon, napatunayan mo na meron akong Diyos na nagpadala sa akin."

VICE GANDA'S "PROPHECY"?

Ayon kay Quiboloy, ang pagpapahinto sa traffic sa EDSA at ang pagkawala sa ere ng Ang Probinsyano ay "prophecy" na nanggaling na rin kay Vice.
"Kasi yung lahat ng pinagsasabi mo, puro imposible.
"'Sige nga, Quiboloy, punta ka sa EDSA, pahintuin mo ang traffic. Sige nga, Quiboloy, pahintuin mo ang Probinsyano. Abangan…si Quiboloy lang ang makakapagpahinto sa Probinsyano.'"
"Nag-prophesize ka, Vice.
"O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA.
"Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo."
Masalimuot ang lohika ng pastor, pero iginiit nitong kailangang maunawaan ni Vice ang punto niya, sabay ikinuwento ni Quiboloy ang nangyari kay Nebuchadnezzar.
Si Nebuchadnezzar ay isa sa mga karakter sa Bibliya na naging mapagmataas at nawalan ng bait.
Pitong taon siyang kumain ng damo dahil hindi niya kinilala ang kapangyarihan ng Diyos.
Tila pang-uuyam pa ni Quiboloy kay Vice, "Ngayon, ako ang nagso-showtime, di ba? Ako ang nagso-showtime.
"Pero tingnan mo, sa kinamalasan na tinanggap mo, hindi ako tumatawa.
"Pinamumukha ko lang sa 'yo na sa susunod, kung ibabalik ka sa ganoong estado ng buhay, tulad ni Nebuchadnezzar, nagmayabang, ‘Di ba, ako si Nebuchadnezzar, ang gumawa ng lahat ng ito sa Babylonia?'
"Habang nagsasalita siya, narinig ng Diyos ang boses niya, pinadalhan kaagad siya ng anghel, ginawa siyang buang."

VICE ganda and jessica soho

Mula sa hinugot na kung anong religious analogy ay pumunta naman si Quiboloy sa isang practical example.
Inungkat nito ang ginawang paglapastangan ni Vice sa veteran GMA-7 broadcaster na si Jessica Soho.
Naging malaking balita ang "gang rape joke" ni Vice tungkol kay Jessica sa I-Vice Ganda Mo Ako sa Araneta concert ng ABS-CBN/Viva star sa Smart Araneta Coliseum noong May 17, 2013.
"E, yun lang ginawa mo kay Jessica Soho, kung ikaw talagang meron kang konsensiya, hindi mo gagawin ‘yon.
"Sabi mo, ipapa-gang rape mo si Jessica Soho. Pagkatapos na i-gang rape na daw siya, sasabihin daw ng lider, 'O, ilabas na ang lechon.'
"Biro mo ‘yon, tao ‘yan, iginagalang ‘yan diyan sa kanilang broadcast, iginagalang, may mga awards ‘yan, tapos gaganoonin mo?"
Hindi naman maintindihan kung bakit sinabi ni Quiboloy na mali ang ginawa ni Vice dahil kasi kagalang-galang ang broadcast journalist. 
Tila ang inaasahang sabihin ng isang totoong tao ng Diyos ay mali ang ginawa ni Vice kahit sinupaman ang taong nilalapastangan. 
Ang rape ay hindi ginagawang biro.

VICE GANDA'S LOOKS

Pagkatapos nito, sabay ng pasakalyeng hindi siya gaya ni Vice na nanlalait, si Quiboloy naman ang nanlait. 
"E, ikaw sa pagkatao mo," sabi niya kay Vice, "kung ako magtatawa sa 'yo... tingnan mo yung ayos mo, Vice.
"Tingnan mo, tingnan mo yung ayos mo."
Tuloy-tuloy lang siya, "Ito, ipamumukha ko lang sa 'yo ang sarili mo. Hindi ako nagsasalita nang ganito.
"Nung ikaw nagso-show, kinukutya mo si Jessica Soho, nakita mo ba ang ayos mo doon? Nakita mo?
"Yung bukol ng harap mo [dibdib], hindi naman totoo 'yon, kasi lalake ka, e.
"Tapos yung ano mo, yung panty mo, para kang si Wonder Woman.
"Ikaw ang nakakatawa.
"Yung mukha mo ang nakakatawa, pero pinagtawanan ba kita?
"Sinabi ko ba na, 'Tingnan mo itong baklang ito, katawa-tawa yung kanyang ano…' Walang ganoon.
"Pero ikaw, dapat pagtawanan mo muna yung sarili mo, pero hindi ko pinagtatawanan."

QUIBOLOY: "KARMA IS REAL."

Nagbanta pa ang milyonaryong pastor—pagmamay-ari niya ang helicopter na pinagamit kay Rodrigo Duterte sa kampanya ng huli sa pagka-presidente—ng tinatawag na karma.
Sabi nito kay Vice, "Ngayon, naniniwala ka na, karma is real.
"O, bumalik sa 'yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka.
"O, bakit hindi kayo humahalakhak?
"Nasaan na yung pati ngala-ngala niya, nakita kong humahalakhak, kasama din nung mataba din na babae na parang maskara ang mukha dahil sa make-up?"
Inamin ni Quiboloy na may kagaspangan din daw noon ang ugali niya.
Noong hindi pa raw siya appointed son of God, libangan nila ng isang kaibigan ang pumunta sa mall para pagmasdan at laitin ang mga tao.
Puwede daw niyang gawin ito kay Vice, pero hindi raw niya ginagawa.
Nga lang, sa pananalita ni Quiboloy, malinaw namang nilait-lait na niya si Vice.
Sabi ng pastor, "Kung gagamitin ko ‘yon, ikaw ang una kong pagtatawanan sa hitsura mo.
"Sasabihin ko, 'Ano bang klaseng tao ito? Kung minsan, puti ang buhok, kung minsan pink, kung minsan blue. Bakit hindi siya makapag-decide kung ano ang mukha niya?'
"Hindi ko sinabi ‘yon, hindi ko sinasabi ‘yon, pinababayaan lang kita at hindi kita pinakikialaman."
Pananakot pa ni Quiboloy, "Nagkamali ka ng pinakialaman, Vice.
"Akala mo, makapangyarihan na kayo noon.
"Ang ABS-CBN kasi, kapag narinig, para bang Diyos, 'Kailangan lahat tumabi kayo lahat kasi nandito na kami.'
"Para ba kayong NPA, kapag naririnig ang NPA, 'Tumabi kayong lahat. Takot kayong lahat sa amin, tabi kayo.'
"O, nilait ko rin yung NPA, Vice, sapagkat niloko rin nila kami."
Hindi naman idinetalye ni Quiboloy kung ano ang naging karanasan nito sa New People's Army, isang armadong grupo ng mga rebelde.

QUIBOLOY TELLS VICE GOD SENT HIM 

Nag-iwan si Quiboloy ng tinatawag niyang pangaral.
"Ang kinatatakutan ko dito, Vice, isa lang—ang Diyos lang.
"Tuturuan kita, ganoon ang gawin mo.
"Kapag binigyan kayo ng pabor ng Diyos, pabor na maging tanyag, pabor na maging mayaman, huwag kayong mangutya ng kapwa niyo tao.
"Ginawa rin ng Diyos ‘yan sa kanyang mukha. Gamitin niyo sa kabutihan.
"Ngayon, umiiyak ka, e, noon humahalakhak ka..."
Tandang-tanda pa raw ni Quiboloy ang suot ni Vice nang hamunin siya nito sa It's Showtime noong 2019.
"Alam ko pa yung sinusuot mo, nile green na Amerikanang over-sized sa 'yo, tapos tawa kayo nang tawa.
"E, ngayon, ang Diyos ang nagtatawa sa 'yo.
"Bakit ka umiiyak ngayon at nalulungkot? Tanungin mo ang sarili mo."
Dito ay inangat muli ni Quiboloy ang kanyang estado, "Yun ang dahilan, Vice, yun ang dahilan para patotohanan lang ng Diyos sa 'yo, si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi pumunta rito sa kanyang sarili lang.
"Lesson ‘yan. I hope that you learned your lesson."
Video player from: YouTube (Privacy PolicyTerms)

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad