Simbolo ng Laban Kapamilya ng ABS-CBN, unang ginamit ng GMA News noong 2019 - PilipinasTayo

PilipinasTayo

PilipinasTayo

Post Top Ad

Tuesday, May 12, 2020

Simbolo ng Laban Kapamilya ng ABS-CBN, unang ginamit ng GMA News noong 2019


Ang clenched fist o kuyom na kamao ang simbolo ng paghihimagsik ng mga tao laban sa mga mapaniil at mapang-abuso.
Nakataas ang kamay at kuyom ang kamao ni Gat Andres Bonifacio sa shrine nito sa Maynila bilang pagpapakita ng pakikipaglaban niya noon sa mga Kastila.
Kuyom ang mga kamao at nakataas ang mga kamay ng mga Pilipino sa tuwing kinakanta nila ang "Bayan Ko" noong kinokondena nila ang administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa pelikulang Sister Stella L., ang 1984 movie ng Regal Films, nakataas ang kamay at kuyom ang kamao ni Vilma Santos habang isinisigaw nito ang "Katarungan para kay Ka Dencio!"
Noong February 2019, nagkaroon ng pictorial ang mga anchors at reporters ng GMA-7 para sa coverage nila sa Philippine general election na naganap noong May 13, 2019.
Kuyom ang mga kamao nila, pero imbes na nakataas ang mga kamay, nakatapat ito sa dibdib ng mga anchors at reporters ng GMA News.
"Puso para sa buong Pilipino" ang mensaheng nais nilang iparating sa ating mga kababayan.
Inilagay ng GMA Network sa mga lamp post sa harap ng Kapuso Network entrance sa Timog Avenue ang larawan ng mga GMA News personalities bilang paalaala sa lahat sa serbisyo na kanilang ihahatid sa araw ng eleksyon.
Makalipas ang isang taon, ang mga empleyado at contract stars ng ABS-CBN naman ang gumamit ng kuyom na palad na nakatapat sa kanilang dibdib.
Simbolo naman ito ng Laban Kapamilya, ang paraan ng kanilang pagpoprotesta laban sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Kapamilya Network.
Hinihikayat ng ABS-CBN ang mga Pilipino na magpadala ng sariling Laban Kapamilya pictures na ilalagay sa Facebook page nila.
At dahil parehong-pareho ang Laban Kapamilya pose sa signature pose noon ng Kapuso anchors at news reporters, muling umiral ang creativity ng mga Pilipino na hindi nawawalan ng mga paandar at nakakakita ng humor sa gitna ng mga krisis na nararanasan ng buong mundo.
Isang "disinformation alert" ang pinaglalaruan at ikinakalat nilang litrato ng Kapuso personalities, na pinalalabas nilang sinusuportahan ang Laban Kapamilya protest ng ABS-CBN employees.
-
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

No comments:

Post a Comment

Important

Post Top Ad