Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang netizen na nag-post diumano ng banta sa buhay ng aktres na si Angel Locsin.
Ayon sa ulat ng TV Patrol Southern Mindanao ngayong umaga, May 22, kusang nagpunta sa NBI-Southern Mindanao si Nhiel Jhon Abellanosa, 25.
Si Abellanosa ay nagtatrabaho bilang driver sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.
Sa kanya nakapangalan ang Twitter account na nag-post ng pagbabanta sa buhay ni Angel at ilan pang Kapamilya stars kapalit ng P200 million.
Pero ayon kay Abellanosa, wala siyang Twitter account.
Sumailalim sa standard booking procedure si Abellanosa sa sangay ng NBI doon.
The man who allegedly posted on Twitter a threat to the lives of Angel Locsin, Coco Martin, and Kim Chiu, has surrendered to NBI in Samal, Davao del Norte. | via Cheche Diabordo
472 people are talking about this
ANGEL NOT FILING COMPLAINT
Nitong May 20, idinaan ni Angel sa Instagram ang panawagan sa NBI tungkol sa online death threat laban sa kanya.
Damay rin sa mga tinatakot ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Coco Martin, at Kathryn Bernardo.
Pati ang ABS-CBN President at CEO na Carlo Katigbak ay binantaan din.
Magbibigay raw ang nag-post ng P200M sa sinumang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte at GMA Network na makakapatay sa Kapamilya stars.
Pati ang ABS-CBN compound ay dapat din daw pasabugin.
Tumugon ang NBI Manila sa post na ito ni Angel.
Sineseryoso raw nila ang anumang banta sa buhay, hindi lamang kay Angel kundi maging sa sinumang mamamayan.
Nakasaad sa pahayag ng NBI kahapon, May 21: "The NBI takes seriously any threats made to any person.
"If Angel Locsin and other artists receive threats of physical harm or other means sent thru the social media and they feel these threats are serious, they have all the right to seek the assistance of the NBI so their concerns can be appropriately addressed."
Ngunit ayon sa aktres, hindi na niya pag-aaksayahan ng panahon ang netizen.
Sabi ng aktres sa tweet niya kagabi, "Thank you NBI for reaching out. For now, ipag-pray ko muna tong mga taong to.
"Ayoko silang pahirapan pa sa hirap ng buhay ngayon sa kung anong pwede kong ikaso sa kanila. Pag umulit, hindi ko sila aatrasan"
Ayon naman kay NBI Cybercrime Division Chief sa Davao na si Victor Lorenzo, kahit hindi interesado si Angel magsampa ng reklamo, tuloy pa rin ang imbestigasyon.
Magsisilbing complainant daw ang totoong may-ari ng Twitter account.
Pahayag ni Lorenzo sa panayam ng ABS-CBN Davao, "Yung sa Twitter account na yun, pumunta yung [may-ari ng] pangalan na yun, tapos nag-execute siya ng affidavit ng denial, sinasabi niyang hindi siya yung tao na yun.
"So, yung dokumento na yun, nasa amin na.
"Iniimbestigahan namin baka identity theft kasi 'yan o talagang yung profile lang niya ang ginamit."
No comments:
Post a Comment